// Parang nung nakaraan lang…//
Tila hindi tatlong taon ang lumipas noong muli kitang nakausap. Ang samahan at pagkakaibigan na minsan ay nakakalimutan natin ay tila wala nagbago. Ang pagkakaibigan na halos anim na taong nagbunga ay tumitibay pa rin hanggang ngayon. Nakakatuwang isipin na sa tagal nating hindi nagkausap, nagkaroon tayo ng pagkakataon na mag re-connect sa panahon na ako ay nangangamba at nalilito. Andun ka nung wala akong makausap. Tumawag ka nung kailangan ko ng makakausap. Tatlong taon na ang nakalipas nung huli tayo nagkita habang ang pangungulila ay nakakalaban lang gawa ng paminsang-minsang tawag sa telepono. Halos anim na buwan tayo hindi nagkausap o nakapagkwentuhan ngunit nung kailangan ko nang taong makakausap sa panahon na hindi ko alam ang gagawin, andun ka. Tumawag ka para paalalahanan ako na kahit tatlong taon na ang lumipas, andiyan ka pa rin. Buhay pa rin ang pagkakaibigan natin. Pinaalala mo sa akin kung bakit kita naging matalik na kaibigan. Pinaalalahan mo ako, kahit hindi mismo sa iyong mga bibig nanggaling, na kahit anong mangyari, andiyan ka parin.